PatrolPH

Lupa sa gilid ng highway sa Davao de Oro, gumuho dahil sa pag-ulan

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2022 09:51 PM

Nakuhanan ng bidyo ang aktuwal na pagguho ng lupa sa gilid ng highway sa Barangay Tapia sa bayan ng Montevista, Davao de Oro Linggo ng hapon.

Watch more on iWantTFC
Video courtesy of Vanesse Escano

Sa inisyal na impormasyon ng provincial disaster risk reduction and management office (PDRRMO), anim na lanes sa national highway ang hindi madaanan dahil sa landslide.

Nagsasagawa naman ng clearing operations ang mga ahensya ng gobyerno sa lugar.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung mayroon bang naapektohang motorista at residente sa landslide.

Nakaranas ng pag-ulan ang maraming lugar sa Davao region ngayong araw dahil sa trough ng low pressure area.

- ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.