Tala Hospital sa Caloocan handa na para sa Sinovac vaccines

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2021 07:25 PM

Ininspeksyon ni Health Undersecretary Eric Tayag ang Tala Hospital noong Biyernes. ABS-CBN News

MAYNILA - Handa na ang Tala Hospital sa Caloocan sa inaasahang pagdating ng mga Sinovac vaccines mula sa Tsina. 

Isa ang ospital sa mga unang mabibigyan ng Sinovac vaccine na darating sa Linggo. 

Sa pag-inspeksyon ng Department of Health, na pinangunahan ng opisyal nitong si Eric Tayag, nakita niya na maayos na ang magiging proseso ng pagpapabakuna sa mga tauhan ng ospital. 

“Tinignan natin, mula umpisa, rehistro titignan kung maayos ang kalusugan, hihingan ng consent at kung papasa sila, saka pa lang babakunahan,” ani Tayag. 

Watch more in iWantTFC

May nakahanda na ring lugar para suriin ang mga tao para sa mga posibleng side effects, para mabigyan ng paunang lunas. 

Aabot naman daw sa 92 porsiyento ang pumayag magpaturok ng Sinovac, na katumbas ng 1,911 hospital staff. 

Aabot sa 400 health workers kada araw ang babakunahan, at kaya itong tapusin sa loob ng 3 araw. 

Sakali namang may umatras, rerespetuhin ng ospital ang desisyon ng kanilang tauhan at ipapadala sa ibang lugar ang sobrang bakuna para mapakinabangan. — Ulat ni Wheng Hidalgo, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.