Konsehal patay matapos mabangga ng multicab sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2021 05:29 PM

Dead on arrival sa pagamutan ang isang konsehal matapos mabangga ng multicab sa Capiz. Larawan muna sa Sapian Police


Patay ang isang konsehal matapos na mabangga ng multicab ang sinasakyan niyang bisikleta sa Barangay Poblacion sa Sapian, Capiz, Sabado ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Conradlou Hondrado, miyembro ng Sangguniang Bayan ng Sapian.

Sa lakas ng pagkabangga ay tumilapon ang biktima sa gitna ng kalsada.

Agad na dinala sa ospital ang biktima pero ideneklara na siyang dead on arrival ng doktor.

Hawak na ngayon ng awtoridad ang driver ng multicab at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.

- Ulat ni Rolen Escaniel
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.