Backhoe sinilaban sa Bukidnon

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2021 02:25 PM

Nagliliyab ang isang backhoe matapos na hagisan ng boteng may gasolina ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sa Maramag, Bukidnon. Larawan mula kina Police Lt. Col. Casan Ali at Bukidnon Police Provincial Office 


Sinilaban ng hindi pa nakikilalang mga lalaki ang isang heavy equipment na pagmamay-ari ng isang construction company sa Maramag, Bukidnon Biyernes ng gabi.

Ayon sa Maramag Municipal Police Station, dalawang lalaki na magka-angkas sa isang motorsiklo ang nakitang lumapit sa nakaparadang backhoe sa P-10, San Ramon, Base Camp sa naturang bayan.

Sinindihan umano nila at inihagis sa backhoe ang dalang boteng may laman na gasolina.

Agad tumakas ang dalawang lalaki papunta sa direksyon ng Don Carlos.

Nagsagawa na ng pursuit operation ang pulisya laban sa mga suspek at rumesponde rin sa sunog ang Bureau of Fire Protection-Maramag.

- Ulat ni PJ Dela Peña

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.