3 patay sa magkakahiwalay na drug ops sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2021 02:43 PM

Napatay ng pulisya ang tatlong suspect sa magkakahiwalay na drug buy-bust operation sa Davao City, Biyernes.

Napatay ang target ng operasyon na si Reynaldo Surdilla matapos umanong manlaban sa mga operatiba sa isinagawang buy-bust sa Barangay Lubogan, Toril District, Biyernes ng hapon.

Alas-8 naman ng gabi nang mapatay ang tinaguriang numero uno sa drug watchlist ng Calinan Police Station na si Felipe Tomas Jr. sa ipinatupad na search warrant sa Purok 15, Domingga Village.

Ayon sa pulisya, imbes na sumuko, nanlaban umano ang target kaya nabaril ng operatiba.

Nakumpiska ng pulisya ang isang bag na may lamang mga pakete ng hinihinalang shabu.

Arestado naman ang asawa nito na sangkot din umano sa pagbebenta ng droga.

Makaraan ang isang oras, nabaril at napatay din ng pulisya ang panglima sa drugs watchlist sa Davao region na si Jincent Vivas sa ikinasang buy-bust sa Purok Del Carmen sa Barangay Matina Aplaya.

Napansin umano ng subject na pulis ang nakatransaksiyon niya kaya biglang tumakbo ito, pero nabaril ng operatiba.

Narekober ng pulisya sa kanya ang nasa 21 pakete ng hinihinalang shabu at isang kalibre .38 na revolver.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC

- Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.