PatrolPH

1 patay sa pagsalpok ng multicab sa poste ng kuryente sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2021 04:31 PM

1 patay sa pagsalpok ng multicab sa poste ng kuryente sa Capiz 1
Pinagtulungan ng mga rescuer na maialis sa pagkakaipit sa multicab ang 81 anyos na driver. Bumangga ang multicab sa poste ng kuryente sa Capiz matapos mawalan umano ng kontrol sa sasakyan ang matanda. Larawan mula sa Ivisan Fire Station

Patay ang isang senior citizen matapos na sumalpok sa poste ng kuryente ang minamanehong multicab sa Ivisan sa Capiz, Biyernes.

Nakilala ang biktima na si Inocentes Arguelles, 81.

Sa imbestigasyon ng Ivisan Police, nawalan ng kontrol sa multicab si Arguelles at tuluyang bumangga ito sa poste ng kuryente sa Barangay Malocloc.

Sa lakas ng pagkakabangga, nawasak ang harapan nito.

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at naialis si Arguelles mula sa sasakyan.

Dinala sa ospital si Arguelles pero namatay rin habang ginagamot.

- Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.