Trapiko sa C-5 bumigat dahil sa tumagilid na concrete mixer

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2020 04:57 AM | Updated as of Feb 27 2020 07:33 AM

Nagdulot ng matinding trapiko ang tumagilid na concrete mixer sa may C-5 paglagpas ng Katipunan Ave. bandang alas-2 ng madaling araw ng Huwebes.

Ayon sa driver ng mixer truck na si Michael Timtim, galing sila ng Cubao at pauwi na sa Pasig nang biglang bumigay ang propeller ng truck.

Naitayo ang mixer bandang alas-4 ng madaling araw at wala namang nasugatan sa insidente.-Ulat nina Lyza Aquino at Jervis Mahanan, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.