Paano pinoprotektahan ng batas ang mga biktima ng prostitusyon?

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2020 04:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Protektado ng batas ang mga biktima ng human trafficking, sapilitan man o hindi, na napasabak sa mga ilegal na aktibidad gaya ng prostitusyon. 

Ayon sa abogadong si Noel Del Prado, protektado ng R.A. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 ang mga nasasagip sa mga trafficking operations. 

"Karamihan sa kanila at karamihan sa mga kaso napipilitan sila o hindi talaga malaya... Kusang-loob silang pumapasok dito, pero minsan ang kanilang kahirapan ay ginagamit laban sa kanila," ani Del Prado sa programang "Usapang de Campanilla." 

Ayon sa Section 17 ng nasabing batas: "Trafficked persons shall be recognized as victims of the act or acts of trafficking and as such shall not be penalized for crimes directly related to the acts of trafficking enumerated in this Act or in obedience to the order made by the trafficker in relation thereto." 

"Sila ay biktima ng [exploitation] at pang-aabuso. Mahina ang kanilang isip at loob at dahil doon sinasamantala [sila] nitong mga sindikato ng human trafficking," Paliwanag pa ng abogado. 

Ito aniya ang dahilan kung bakit itinuturing na "nasasagip" ang mga biktima ng human trafficking tuwing may raid o anti-trafficking operations. 

Mananagot lang ang mga nagpapatakbo ng mga dawit sa human trafficking. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.