Mekaniko patay sa pamamaril sa QC

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2020 04:43 AM

Patay ang isang mekaniko matapos pagbabarilin sa loob ng motorcycle shop sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City nitong Miyerkoles ng gabi. 

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang 21 anyos na si Raymart Bucad.

Ayon sa mga mga kasamahan niya sa tindahan ng motor spare parts, may dalawang magkaangkas sa motorsiklo ang huminto sa tapat ng tindahan. Bumaba ang isang naka-helmet at nilapitan si Bucad at nang lingunin umano ng biktima ang suspek ay pinagbabaril na ito sa mukha.

Nadaplisan din ng bala ang isang lalaking nakatambay sa tindahan at naisugod na ito sa ospital. 

Kasalukuyang nag-iimbestiga ang pulisya hinggil sa insidente.-Ulat nina Dexter Ganibe at Jervis Mahanan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.