7 bahay sa Muntinlupa, natupok

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2020 04:59 AM

Pitong bahay ang natupok matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Muntinlupa nitong Miyerkoles ng gabi. 

Nagsimula ang sunog ng 8:38 ng gabi sa purok 6 Barangay Cupang at mabilis itong itinaas sa ikalawang alarma. 

Tuluyang naapula ang sunog pagpatak ng 9:54 ng gabi. 

Aabot sa P70,000 ang halaga ng naabong na ari-arian. 

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente at inaalam pa ang pinagmulan ng sunog.-Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.