2 arestado sa buy-bust sa QC

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2020 07:47 AM

Arestado ang isang lalaking nasa drugs watchlist at babaeng kasamahan nito na nakuhanan ng nasa P150,000 halaga ng umano’y shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay Pasong Putik, Quezon City nitong Miyerkoles ng gabi. 

Nakuha ng Fairview Police kina alyas Alvin ang 22 gramo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa 5 sachet. Haharap ang 2 sa kasong paglabag sa batas na may kinalaman sa droga.-Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.