PatrolPH

'Shabu' isinilid sa power bank; 4 timbog

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2019 05:13 AM | Updated as of Feb 27 2019 06:55 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Arestado ang 4 katao sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City Martes ng gabi.

Unang nahuli ng mga pulis sa Payatas ang isang kolektor ng basura at kasamahan nito.

Narekober sa kanila ang hinihinalang shabu na isinilid sa isang power bank.

Dahilan ng suspek, hindi umano pinaghihinalaan na may lamang droga ang power bank.

"Iba iba na talaga style. May itinatago sa ilalim ng bike, meron sa blower," ani Chief Insp. Sandie Caparroso ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6.

Sa Bagong Silangan naman, timbog ang isang babae at kaniyang kasama matapos mahulihan ng 4 na sachet ng umano'y shabu.

Giit ng babaeng suspek, magpapadala lang siya ng pera nang hulihin.

Ayon sa pulisya, kilalang tulak ng droga ang 2. Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.