Ordinansa na tutulong sa mga mentally-challenged na palaboy, isinusulong sa Davao

Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2019 07:03 PM

DAVAO CITY - Isinusulong sa konseho ng lungsod ang panukalang ordinansa na naglalayong matulungan ang mga mentally-challenged na palaboy sa Davao City.

Pasado na sa ikalawang pagdinig nitong Martes ang Resolution to enact and Ordinance providing Mental Health Program and Delivery System.

Sa ilalim ng nasabing ordinansa, itatayo ang isang mental health facility sa loob ng Institute of Psychiatric Behavioral Medicine sa Davao City.

Magsisilbi itong shelter house sa mga mentally-challenged na palaboy sa lungsod.

Nakapaloob din sa isinusulong na ordinansa ang pagdagdag ng mga psychiatrist, psychologist, nurses at social worker na kakalinga sa mga mentally-challenged.

Nasa P5 milyon ang ilalaang pondo ng lokal na pamahalaan ng Davao bilang paunang ayuda.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.