Nasusunog na bunkhouse, nakunan ng video

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2019 08:57 AM

 

DAVAO CITY - Sumiklab ang malaking sunog sa isang bunkhouse sa Panacan, Martes ng umaga.

Nag-aalala naman ang mga construction worker dahil pauwi na sana sila sa Maynila sa Sabado pero kasamang nasunog ang lahat ng kanilang mga gamit at inipong pera.

Ayon sa mga trabahador, may mga naiwan silang nakasaksak na electric fan at mga naka-charge na cellphone sa loob ng bunkhouse habang nasa trabaho.

Possibleng electrical short circuit ang dahilan ng sunog.

Naapula naman ang sunog wala pang isang oras.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.