50 kilong karne ng stingray nasamsam sa Cebu City

Jude Torres, ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2019 11:44 PM | Updated as of Feb 28 2019 12:00 AM

CEBU CITY - Nasamsam ang 50 kilo ng karne ng stingray sa Pasil Fishport nitong Miyerkoles ng hapon.

Ayon kay Alice Utlang, head ng Department of Veterinary Medicine and Fisheries-Cebu City, isinagawa nila ang kanilang market monitoring nang nakita nilang nahulog ang ice bucket na karga sa isang bisekletang de padyak.

Naglalaman pala ito ng mga karne ng stingray.

Ang nagmaneho sa bisekletang de padyak ay nakatakas matapos nadiskubre ng ahensiya ang kaniyang karga.

Galing sa Bantayan Island, Northern Cebu ang karne, ayon sa DVMF.

Ayon kay Ulang, bawal ang pagtitinda ng mga karne ng mga endangered species.

Ang mga mahuling nagtitinda ng karne ng mga endangered species ay magmumulta ng P1,000 at hindi na patitindahin sa mga merkado ng lungsod.

Ang karne ng mga stingray ay ibabaon sa lupa ng DVMF.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.