4 sugatan sa salpukan ng 2 motorsiklo sa Zamboanga Sibugay

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2019 07:01 PM

Apat ang sugatan matapos magsalpukan ang 2 motorsiklo sa bayan ng Buug, Zamboanga Sibugay nitong Martes ng hapon.

Nagtamo ng 4th degree burns ang apat na babae nang hindi mapansin ng isang motorsiklo ang paparating na isa pang motorsiklo sa salungat na direksyon, ayon sa Buug Municipal Police.

May dala umanong galon ng gasolina ang isang motorsiklo kaya sumiklab ang mga sasakyan nang magsalpukan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. --Ulat ni Jewel Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.