PatrolPH

13 tiklo sa drug den sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2019 05:15 AM | Updated as of Feb 27 2019 06:48 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Arestado ang 13 katao sa isang hinihinalang drug den sa Barangay South Signal Village, Taguig City Martes ng gabi.

Nilusob ng drug enforcement unit ng Taguig City police ang bahay sa Tanyag St. matapos magpositibo ang buy-bust operation.

Nahuli si alyas Boy na siyang target ng operasyon. Nahuli rin ang kaniyang kinakasama at 11 iba pa na naaktuhang gumagamit ng shabu.

Ayon kay Senior Supt. Alexander Santos, hepe ng Taguig City police, matagal na nilang minamanmanan si Boy na nasa drugs watch list ng pulisya. Ginagamit din ng suspek ang kaniyang bahay bilang drug den.

"Bale magbabayad ng P150. Tapos titira na. Pagkatapos alis na," aniya.

Hindi naman ito itinanggi ng suspek.

"Ayaw ko na po talaga kaya lang nagtatampo sila kapag 'di ko pinapagamit," ani Boy.

Mahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga hinuli. - ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.