12 bahay, nasunog sa Boracay

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2019 01:33 AM

Kuha ni Ken Kevin Andora

AKLAN - Nasunog ang nasa 12 bahay sa Sitio Bolabog, Barangay Balabag, Boracay Island Martes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog mag-aalas-8 ng gabi at mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

Tinatayang nasa P50,000 ang halaga ng tinupok na ari-arian. Inaalam pa ng mga bombero ang pinagmulan at sanhi ng sunog.

Apektado sa insidente ang ilang pamilya at mga kawani ng iba't ibang resort sa isla. - ulat ni Joyce Clavecillas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.