Sunog sumiklab sa Navotas

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2018 01:41 AM

Nawalan ng tirahan ang ilang pamilya matapos matupok ang 3 bahay sa Ilang-Ilang St., Barangay Tanza, Navotas Lunes ng gabi.

Sumiklab ang sunog ala-7:48 p.m. sa isang bahay na nagkataong wala ang may-ari, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Kumalat ang sunog sa katabing 2 bahay at agad itong itinaas ng BFP sa ikalawang alarma.

Agad namang nakarating ang mga bombero kaya't bago pa man mag-alas-9 p.m. ay naapula na ito.

Wala namang nasaktan sa insidente. Inaalam pa ng mga bombero ang sanhi ng sunog. - ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.