Lalaking nahulog sa jeep, patay matapos magulungan ng trak

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2018 12:43 AM | Updated as of Oct 12 2018 09:11 PM

Patay ang isang lalaki matapos magulungan ng trak nang mahulog sa sinasakyang jeep sa Cagayan De Oro City Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Joseph Tambiga Jr., 21-anyos.

Ayon kay PO3 Richard Alcover ng Police Station 6, nangyari ang aksidente sa Zone 1, Bantiles, Barangay Bugo.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang drayber ng trak at patuloy pa nilang pinaghahanap ang drayber ng jeep kung saan sinasabing nahulog ang biktima.

"May pananagutan din siya kaya sinisikap nating mahanap at malaman kung sino ang drayber ng jeep," ani Alcover.

Nakatakdang sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang drayber ng trak. - ulat ni Angelo Andrade, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.