Isa sugatan sa pagbulusok ng SUV sa highway sa Camarines Sur

Rizza Mostar, ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2018 06:23 PM | Updated as of Feb 27 2018 08:46 PM

PILI, Camarines Sur - Sugatan ang isang motorista matapos bumulusok ang isang SUV sa kahabaan ng highway sa Barangay La Purisima, Martes ng umaga.

Ayon sa driver ng SUV na si Paul Mirando, nawalan siya ng kontrol sa minamanehong sasakyan matapos niyang malubak habang nago-overtake sa isang truck.

Tinamaan ng SUV ang isang kotse at isang motor bago tuluyang 
bumangga sa isang bahay.

Agad na dinala sa ospital si Rolando Nepomuceno, sugatang driver ng nabanggang sasakyan.

Wala namang nasugatan sa 12 sakay ng SUV.

Nadamay rin ang isang motorsiklo na nakaparada sa lugar.

Haharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to property si Mirando.

Kasalukuyang ginagawa ang road widening sa nasabing highway kaya ipinagbabawal ang overtaking at mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.