Earth Hour 2018, gaganapin sa Marso 24

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2018 04:59 PM | Updated as of Oct 15 2018 09:22 AM

Nakapalibot ang mga siklista sa globo sa labas ng Mall of Asia noong Earth Hour noong Marso, 25, 2017. Eugenio Loreto, EPA/File

MAYNILA - Muling hinihimok ang publiko na sabay-sabay na magpatay ng ilaw sa ika-24 ng Marso para sa pagdiriwang ng ika-10 taon ng paglahok ng Pilipinas sa Earth Hour.

Muling ibabalik ang sentro ng pagdiriwang sa Cultural Center of the Philippines kung saan ginanap ang unang Earth Hour sa bansa noong 1998.

Ang Earth Hour ay pandaigdigang kampanya para sa pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagpatay ng ilaw ng 1 oras.

Magsisimula ang pagpatay ng ilaw alas-8:30 ng gabi.

Ayon kay Gia Ibay, national director ng Earth Hour, kailangan ng tuloy-tuloy at sama-samang pagkilos upang mapangalagaan ang kapaligiran.

Noong nakaraang taon, tinatayang nasa 165 megawatts ng kuryente ang natipid sa isinagawang Earth Hour.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.