Away sa P150 na utang? Lalaki pinagbabaril sa QC

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2018 05:31 AM | Updated as of Oct 13 2018 11:15 PM

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin habang natutulog sa gilid ng sidewalk sa Commonwealth Market sa Quezon City Martes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Eddie Villanueva.

Kuwento ng mga residente, nakarinig sila ng putok ng baril at nakita ang isang lalaki na tumatakbo palayo.

Ayon sa anak ng biktima, mabait ang kaniyang ama at walang bisyo.

Nagtatrabaho umano ito minsan bilang isang barker.

Hinala ng anak, away sa P150 na utang ang posibleng dahilan sa pamamaslang.

Pinaghahanap na ng pulisya ang posibleng salarin na umano'y kaibigan at kainuman ng biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.