5 sundalo, 3 sibilyan sugatan sa pagsabog sa Quezon

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2018 09:03 PM

MAYNILA - Sugatan ang limang sundalo at tatlong sibilyan matapos pasabugan ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army ang isang military truck sa Barangay Ilayang Panaon, Unisan, Quezon nitong Martes.

Ayon kay Major Gen. Rhoderick Parayno, commander ng 2nd Infantry Division, improvised explosive device ang ginamit ng armadong grupo na isang paglabag sa Republic Act 9851 o An Act Penalizing Crimes Against International Humanitarian Law.

Ang mga nasaktan ay miyembro ng Alpha Company 514 Engineering Construction Battalion (ECB) at isang ina at dalawang anak nito.

Nasa Bondoc Peninsula District Hospital ang mga sugatang biktima na hindi muna pinapangalan hangga't hindi pa naipapaalam sa kanilang mga kaanak ang insidente.