4 timbog sa buy-bust sa tabi ng Camp Karingal

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2018 08:04 AM

Arestado ang 4 katao, kabilang ang isang mag-asawa, sa ikinasang buy-bust operation sa tabi ng Camp Karingal, Quezon City Lunes ng gabi.

Narekober ng Quezon City Police District - District Drug Enforcement Unit mula sa mga suspek ang P75,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Isa sa mga target ng pulis ay 2 beses ng nakulong dahil din sa droga.

"Hindi akin 'yan. Pinagtrabahuan ko ng ilang taon 'yung serve ko ng kaso tapos babalik lang ako?" aniya.

Ang isa din sa mga nahuli ay kakalaya lang sa kulungan noong Setyembre 2017 dahil din sa droga.

"Tumigil na po ako pero nasama lang ako sa asawa ko," aniya.

Ayon naman kay Randy Brien, barangay kagawad ng lugar, mga drug surenderee umano ang mga suspek.

"Pinagsasabihan namin 'yan na tigilan na 'yung bawal na gamot," aniya. - ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.