4 sundalo sugatan sa pananambang umano ng NPA sa Quezon

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2018 05:09 PM

MANILA - Sugatan ang 4 na sundalo makaraang tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) sa General Luna, Quezon province Martes. 

Sakay ng military vehicle ang mga sundalo nang pasabugan sila ng landmine ng mga rebelde sa Barangay Ibaba, sabi ni Col. Elias Escarcha, commander ng 201st Infantry Brigade. 

Dinala aniya ang mga biktima sa ospital sa Catanauan. 

Tumanggi nang magbigay si Escarcha nang dagdag na detalye sa insidente. 

Kasabay ng pananambang, nakipagbarilan din umano ang mga NPA sa engineering brigade ng Philippine Army sa Barangay Poblacion 9, Catanauan. 

Walang tropa ng pamahalaan na nasugatan sa ilang minutong palitan ng putok. 

Tinutugis na ng mga awtoridad ang mga rebelde.

-- Ulat ni Ronilo Dagos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.