3 arestado sa buy-bust sa Valenzuela

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2018 05:35 AM | Updated as of Feb 27 2018 05:40 AM

Arestado ang 3 lalaki sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Valenzuela City.

Unang inaresto ang isang umano'y tulak sa kaniyang bahay sa Don Pedro Village, Barangay Marulas.

Narekober mula sa kaniya ang 5 sachet ng hinihinalang shabu.

Pinabulaanan naman ng suspek na sangkot ito sa pagtutulak.

Nagulat na lamang daw siya nang dumating ang mga pulis.

Maaga raw siyang natulog dahil maghahanap pa siya ng trabaho kinabukasan.

Sunod namang isinagawa ang buy-bust operation sa Barangay Ugong.

Timbog ang isang janitor at isang kusinero.

Ayon kay Chief Insp. Noel Ramirez, assistant chief of police for operations ng Valenzuela City police, isang concerned citizen ang tumawag sa kanila kaugnay sa pagbebenta ng shabu ng mga suspek.

Itinanggi naman ng 2 nahuli ang paratang sa kanila pero kapwa aminadong gumagamit ng shabu para hindi umano makatulog sa trabaho. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.