PatrolPH

SolGen, pinag-aaralan kung ano ang maaaring ikaso laban kay Trillanes

Miguel Dumaual, ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2017 06:21 PM | Updated as of Feb 27 2017 09:09 PM

SolGen, pinag-aaralan kung ano ang maaaring ikaso laban kay Trillanes 1
Solicitor General Jose Calida and Senator Antonio Trillanes IV. Composite

Pinag-aaralan ngayon ni Solicitor General Jose Calida kung ano ang maaaring ikaso laban kay Senator Antonio Trillanes IV dahil sa umano'y pag protekta niya sa "self-confessed killers."

Nang tanungin sa kanyang presscon nitong Lunes, sinabi ng opisyal na wala pang konkretong hakbang para ireklamo si Trillanes.

Pero aniya: "Give me more time and I will have the proper case to file against him... He is also a person of interest. Why is (he) protecting a self-confessed criminal?"

"Sumusobra na si Trillanes. He's accusing the president of plotting to kill him. Perhaps he should see a shrink."

Ito ang naging pahayag ni Calida matapos ilabas ng opisina ni Trillanes ngayong Lunes ang kopya ng sworn affidavit ni retired police officer Arturo Lascanas tungkol sa umanoy Davao Death Squad. 

Dati nang sinabi ni Trillanes na isang pari ang lumapit sa kanya upang ayusin ang pagharap ni Lascañas sa publiko.

Binanggit din ni Calida ang kustodiya ni Edgar Matobato na hawak noon ni Trillanes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.