PatrolPH

Labi ng miyembro ng NPA na namatay sa Cagayan, dumating sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2023 05:23 PM

Naihatid na sa kaniyang pamilya ang labi ng isang miyembro ng NPA noong Biyernes, Pebrero 24. Courtesy: 10th Infantry Division PA
Naihatid na sa kaniyang pamilya ang labi ng isang miyembro ng NPA noong Biyernes, Pebrero 24. Courtesy: 10th Infantry Division PA

Sinalubong ng kanyang pamilya ang pagdating ng labi ng napatay na miyembro ng New People's Army (NPA) sa Tactical Operations Wing Eastern Mindanao sa Old Airport sa Davao City nitong Biyernes, Pebrero 24.

Isa siya sa dalawang nasawi sa engkuwentro sa pagitan ng NPA at militar sa Sta. Margarita, Baggao, Cagayan noong Pebrero 13.

Bumuhos ang luha ng mga kamag-anak ng biktima na inihayag ang galit laban sa grupo.

"Ipabagsak na natin ang NPA dahil wala namang silbi," isinigaw ng kanyang kapatid habang umiiyak.


Ayon sa pamilya ng napaslang na rebelde, naghintay sila ng siyam na taon pero hindi na ito umuwi sa kanila sa Talaingod, Davao del Norte.

“Kahit masakit, tatanggapin na lang namin ang nangyari sa kanya," dagdag ng kapatid.


Nagtulungan ang 5th Infantry Division at 56th Infantry Batallion para maiuwi sa tahananang labi nito.


Nanawagan naman sa mga miyembro ng NPA ang 10th Infantry Division na nakabase sa Davao region, na sumuko na para sa mapayapang buhay.

—Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.