TFC News

Investment opportunities sa Pilipinas, tinutukan sa PH-Spain Forum

TFC News

Posted at Feb 26 2023 02:26 PM

MADRID - ‘Open for business’ ang Pilipinas, ‘yan ang temang naging sentro ng diyalogong naganap kamakailan sa ika-siyam na taunang Philippine-Spain Forum.

Kasabay ng pagkilala ng Spain sa pagsigla ng ekonomiya ng Asya, mulat na ang mga Spanish companies sa malaking oportunidad na naghihintay sa kanila sa Pilipinas.

1
PE Madrid photo

Nagsimula ang taunang forum sa reception na ibinigay ng Espanya sa Philippine delegation sa Casa de la Villa ng Ayuntamiento de Madrid na pinamunuan ni Concejal Santiago Saura, Head of the International Cooperation body ng ayuntamiento.

2
PE Madrid photo

Co-hosted ang forum ng Casa Asia at Philippine Chamber of Commerce and Industry. Sa forum, ibinahagi ang malaking investment opportunities na naghihintay para sa foreign investments sa energy, transportation, at infrastructure sectors ng Pilipinas.

‘Priority country’ kasi ang turing ng ilang Spanish public at private institutions na kasali sa high level representation ng mga Espanyol. Kasali rin sa forum ang Spanish top companies tulad ng Iberdrola (renewable energy), Acciona (infrastructure), IDOM (infrastructure) at CAF (transportation) na nagbahagi bng kanilang mga pag-aaral tungkol sa investment potential ng Pilipinas.

5
PE Madrid photo

Pinangunahan ni H.E. Philippe Lhuillier ang delegasyon ng Pilipinas, kasama sina Undersecretary Eduardo de Vega mula sa Department of Foreign Affairs, Undersecretary Sharon Garin mula sa Department of Energy at Undersecretary Timothy Batan mula rin sa Department of Energy.

Kinatawan naman ng Philippine business and investment sector si Jose Ibazeta, pangulo ng Philippine-Spanish Business Council.

Pinangunahan naman ni Ambassador Javier Parrondo ng Casa Asia ang Spanish side, kasama si Ambassador Miguel Utray, Spanish Ambassador to the Philippines.

4
PE Madrid photo

Si Secretary of State for Foreign and Global Affairs of the Ministry of Foreign Affairs Ángeles Moreno ang nanguna sa pagsasara ng forum. Nagkasundo ang dalawang panig na palawigin ang kooperasyon ng Pilipinas at Spain sa mga oportunidad na naihain sa forum.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Spain, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.