PatrolPH

Halos 1,000 pamilya, apektado matapos masunog ang daan-daang bahay sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2023 05:53 PM


Sumiklab ang malaking sunog sa isang residential area sa Barangay 21-C, Davao City bandang ala una Sabado ng hapon.

Kita sa isang drone video ang malaking apoy at makapal na usok na bumalot sa magkakatabing bahay malapit sa dagat.

Pahirapan ang pag-apula ng apoy dahil sa lawak ng sunog at sa makikitid na daan.

Makalipas ang ilang oras ay naapula ang sunog sa tulong na rin ng ulan.

Daan-daang bahay ang nasunog, pero inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng insidente.

Watch more News on iWantTFC

Ayon naman sa Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa 603 na pamilya ang inilikas sa Barangay 21-C gym habang 360 na pamilya naman sa Barangay 22-C covered court.

Namahagi na ng paunang tulong ang city social welfare and development office sa mga nasunogan.

Naglagay din ng dalawang drop-off points ang city government para sa mga nais mag-donate ng mga pagkain, tubig, damit, hygiene kits, at iba pang makakatulong na materyales.

- ulat ni Hernel Tocmo
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.