PatrolPH

Turista sa Boracay sugatan matapos mahulog mula sa ikatlong palapag ng hotel

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2021 12:12 PM

Turista sa Boracay sugatan matapos mahulog mula sa ikatlong palapag ng hotel 1
Isinakay sa ambulansiya ang babaeng turistang nahulog mula sa ikatlong palapag ng tinutuluyang hotel sa Boracay. Larawan mula kay RB Bachiller

Sugatan ang isang babaeng turista matapos mahulog mula sa ikatlong palapag ng isang hotel sa Boracay, Biyernes ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ng Malay Police, nahulog ang biktima sa hotel na matatagpuan sa Barangay Balabag.

Ayon sa front desk officer ng resort, nahulog mula sa Annex building ang babae dahil umano sa kalasingan nito.

Agad na rumesponde ang Boracay Action Group at Boracay Fire Rescue Ambulance at binigyan ng paunang lunas ang babae.

Ligtas na ngayon ang babae at nagpapagaling sa isang ospital sa Kalibo.

- Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.