Imbestigasyon ng NBI sa PNP-PDEA 'misencounter' nagsimula na

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2021 10:12 AM | Updated as of Feb 26 2021 08:08 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Sinimulan na ng National Bureau of Investigation ang kanilang parallel investigation sa umano'y misencounter sa pagitan ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa Quezon City kung saan nasawi ang 4 katao.

Watch more on iWantTFC

Dumating Huwebes ng gabi ang mga tauhan ng NBI sa Commonwealth Ave. kung saan nangyari ang barilan pero hindi pa sila nagbigay ng pahayag sa kanilang ginagawang imbestigasyon.

Apat katao ang nasawi sa engkuwentro Miyerkoles ng gabi, kabilang ang 2 pulis, ahente at informant ng PDEA.

Pinabulaanan naman ng PDEA nagkaroon ng "sell-bust." Ito ay pagkukunwari na nagbebenta ng droga para mang-target ng mga tao na namimili ng ilegal na droga.

Humihingi ngayon ang NBI ng sapat na oras para mas masuri ang mga ebidensiya sa insidente. Bumuo na sila ng joint board of inquiry para imbestigahan ito.

Magpapatawag naman ng inquiry ang Kongreso para maging malinaw sa lahat kung bakit nagkakaroon ng misencounter.

 - Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News