PatrolPH

Heavy equipment, sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng NPA sa Surigao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2021 12:11 AM

Heavy equipment, sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng NPA sa Surigao del Norte 1

MALIMONO, Surigao del Norte - Sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) ang dalawang heavy equipment na ginagamit sa konstruksyon ng farm-to-market road sa Barangay Binocaran sa bayan ng Malimono sa Surigao del Norte Miyerkoles.

Ayon kay Police Regional Office 13 Regional Director Police BGen. Romeo Caramat Jr., nasa pitong mga armadong lalaki ang nagbuhos ng gasolina at nagsunog sa dump truck at backhoe na pagmamay-ari ng isang construction company na nakabase sa Surigao City. 

Pinaniniwalaang mga miyembro ng Guerilla Front 16B ng Northeastern Mindanao Regional Commitee ang may kagagawan ng panununog.

Umabot sa mahigit P5 milyon ang pinsala sa insidente. Isa sa tinitingnan ng kapulisan sa ngayon ang posibilidad na retaliatory action ito ng mga NPA sa kumpanya na tumangging magbigay sa extortion demand ng NPA.

- ulat ni Charmane Awitan

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.