3 patay sa aksidente sa Agusan del Sur; 2 iba pa sugatan

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2021 12:02 AM

BUNAWAN, Agusan del Sur - Patay ang driver at dalawang pasahero ng pick-up type multicab matapos bumangga sa center island sa Purok 2, Barangay San Isidro, sa bayang ito Huwebes ng umaga.

Sa mga kuhang larawan ni Joan Iniego, nakahandusay sa kalsada ang mga sakay ng multicab. Wasak na wasak ang multicab at bumaligtad pa ito.

Sa imbestigasyon ng pulis, lima ang sakay ng multicab kabilang ang driver. Mga taga-bayan ng San Miguel, Surigao del Sur ang mga biktima. 

Habang binabaybay nito ang kalsada sa direksyong patungong Davao City, bumangga ang sinasakyang muticab sa center island.

Ayon sa mga residenteng nakakita, mabilis ang takbo ng multicab. 

Bukod sa 3 namatay, sugatan naman ang 2 pasahero na nagpapagaling sa ospital. -- ulat ni Charmane Awitan

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.