Suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo patay sa Imus

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2020 04:07 PM

MAYNILA — Patay ang isang suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Imus, Cavite nitong madaling araw ng Miyerkoles.

Nakaengkuwentro ng suspek at ng kasamahan niyang hindi pa nakilala ang mga pulis sa isang checkpoint sa Palanas Road matapos nilang nakawin ang motorsiklo ng biktimang si alyas “Jon.”

Tinutukan umano ng baril ng mga suspek si Jon sa may Barangay Medicion 2F pasado 12:30 ng hatinggabi at tinangay ang motorsiklo nito.

Dumulog si Jon sa Imus City Police Station kaya nakapagkasa ng operasyon ang mga awtoridad laban sa mga suspek.

“Naka-establish naman na ang ating mga ‘Oplan Sita.’ Sa isa doon, haharangin na sila, pero habang nagche-check, habang pinapara, hindi sila nag-obey,” ani Lt. Col Vicente Amante, hepe ng Imus police.

“Lumagpas sila, nagpaputok at nagkahabulan.”

Nakatakas umano ang kasamahan ni Padilla.

“Ang isang suspect was able to evade arrest. Open field na kasi iyon. ‘Yong motor na ginamit nila sa pagtangay naiwan din,” ani Amante.

Narekober sa crime scene ang 3 fired cartridge ng isang pistol, 2 motorsiklo, at 2 sachet ng hinihinalang shabu.

Inaalam na rin ng mga awtoridad kung sangkot si Padilla sa iba pang kaso ng pagnanakaw ng motorsiklo at panghoholdap sa Imus, ayon kay Amante.

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.