Duterte tinanggap ang sorry ng ABS-CBN; prangkisa ipinaubaya sa Kongreso

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2020 07:56 PM

MAYNILA — Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng sorry ng ABS-CBN dahil sa pagsama umano ng loob nito dahil sa pag-ere ng isang negatibong political ad noong 2016.

Sa isang ambush interview nitong Miyerkoles, sinabi ni Duterte na tanggap niya ang sorry ng ABS-CBN. 

"I accept the apology. Of course," ani Duterte. 

Lunes sa Senado nang humingi ng paumanhin si ABS-CBN Corp. president at chief executive officer Carlo L. Katigbak kay Duterte kung nasaktan ang Pangulo sa pag-ere ng isang negatibong political ad. 

"We were sorry if we offended the President. That was not the intention of the network. We felt that we were just abiding by the laws and regulations that surround the airing of political ads," ani Katigbak. 

Samantala, ipinaubaya naman ni Duterte sa Kongreso ang kapalaran ng ABS-CBN franchise. 

"Alam mo I have kept a healthy distance from the [franchise issue]... But fundamentally, really, ang decision nasa House ngayon... I said I leave it to Congress," ani Duterte. 

Nasa 11 panukala ang nakabinbin ngayon sa Kamara para sa renewal ng ABS-CBN franchise, pero wala pa ring umuusad sa mga ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.