P750,000 halaga ng shabu, kumpiskado sa Bacolod

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2019 09:46 AM

Silay PNP

BACOLOD CITY - Aabot sa P750,000 na halaga ng shabu ang nakuha sa 2 magkahiwalay na buy-bust operation dito sa probinsya, Lunes ng gabi.

Labing tatlong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P531,000 ang nakuha mula sa isang magkasintahan at isa nilang kasamahan dito sa lungsod.

Ngunit giniit ng 3 suspek na planted lang umano ang drogang nakuha sa kanila.

Samantala, 3 kalalakihan naman ang arestado sa hiwalay na buy-bust operation sa Silay City.

Nasabat sa naturang operasyon ang 64 na maliliit na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga naman ito ng P225,000.

Ayon sa mga pulis, kakatapos lang i-repack ng mga suspek ang shabu na nakatakda pa sana nilang ibenta sa iba't ibang mga barangay sa Silay City.

Tumangging magbigay ng pahayag ang 3 lalaki.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.