PatrolPH

'Nanlaban': 3 lalaki, patay sa San Jose del Monte buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2019 05:03 AM | Updated as of Feb 26 2019 09:21 PM

Watch more on iWantTFC

BULACAN - Patay ang 3 lalaki matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa Barangay Santo Cristo, San Jose del Monte City, Bulacan Lunes ng gabi.

Narekober sa mga suspek ang mga drug paraphernalia, isang kalibre .38 na baril, at 2 sumpak.

Ayon kay Supt. Orlando Castil, hepe ng San Jose del Monte City police, nagpaputok umano ang mga suspek nang aarestuhin ng mga pulis.

Watch more on iWantTFC

Target ng operasyon ang isang Joel Andong na nasa drugs watch list ng lugar.

Batay sa datos ng pulisya, nasa 658 na ang naaresto habang 59 naman ang napatay sa police operations sa San Jose del Monte simula 2018.

Dagdag ni Castil, mas lumala umano ang problema nila sa droga nang ilipat ang mga taga-Maynila sa higit 20 relocation sites sa siyudad. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.