Holdaper patay, pulis sugatan sa engkuwentro sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2019 08:07 PM | Updated as of Feb 26 2019 10:15 PM

Napatay ang isa umanong holdaper habang nasugatan ang isang pulis sa engkuwentro sa bayan ng Plaridel, Bulacan nitong umaga ng Martes.

Nasawi ang hindi pa nakikilalang salarin nang makipagbarilan siya sa mga pulis na humabol sa kaniya matapos umano niyang tangayin ang motorsiklo ni alyas "Sharon" sa Barangay Tabang.

Nasugatan naman sa engkuwentro ang isang pulis na natamaan ng bala.

Watch more in iWantTFC

Miyembro ang nasawing lalaki ng isang robbery-holdup gang na madalas mambiktima sa Plaridel at iba pang karatig-lugar, ayon kay Bulacan police chief Chito Bersaluna.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operation ang Bulacan police laban sa mga tumakas na kasamahan ng nasawi.

-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.