Dayuhan hinoldap ng mga ka-inuman; P1 milyon tinangay

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2019 01:28 PM

Huli ang 7 lalaki matapos umanong nakawan ng aabot sa P1.2 milyon ang ka-inuman nilang Australian national sa Escalante City, Negros Occidental. 

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, niyaya ng banyaga ang 7 suspek na kumain at mag-inuman noong Biyernes ng gabi dahil may pinagdadaanan itong problema. 

Ipinakita ng biktima ang dalang pera sa mga kasama. Dito na siya tinutukan ng patalim at tinangay ang salapi. 

Naaresto ang mga suspek sa follow-up operation na isinagawa noong Pebrero 23 at 24 at nabawi ang salapi. Apat sa mga suspek ay mga menor-de-edad. 

Nagpasya ang biktima na huwag kasuhan ang 7 suspek. 

-- Ulat ni Mark Salanga, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.