9 establisimyento sa Caloocan ipinasara ng BIR

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2019 03:48 PM | Updated as of Feb 26 2019 10:05 PM

Siyam na establisimyento sa Caloocan City ang ipinasara ngayong Martes ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa umano ay hindi tamang pagbabayad ng buwis.

Kasama sa mga ipinasarang establisimyento ang isang bentahan ng bakal, hardware store, salon, carwash, coffee shop at auto parts store.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ang hindi tamang pagdeklara ng ibinebenta ang pinakamadalas na paglabag na ginagawa ng mga nasisitang may-ari ng negosyo, ayon kay BIR Caloocan Regional Director Manuel "Manny" Mapoy. 

Bukod sa hindi tamang pagbayad ng buwis, natuklasan din ng BIR na ang ipinasarang hardware store ay gumagamit ng mga hindi rehistradong resibo. 

Umapela naman ang BIR sa mga may-ari ng negosyo na maghain ng tamang buwis nang maaga, lalo na at higit isang buwan na lang ulit bago ang deadline.

Siyam na establisimyento ulit ang ipasasara ng BIR sa Caloocan sa Miyerkoles.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.