2 lugar sa Occidental Mindoro, nagdeklara ng state of calamity dahil sa El Niño

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2019 01:22 PM

Nagdeklara ng state of calamity ang 2 barangay sa San Jose, Occidental Mindoro ngayong Martes dahil sa matinding tagtuyot.

Ang Barangay Central at Barangay San Agustin ay isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño, ayon sa mga lokal na opisyal.

Natutuyo na rin ang mga ilog sa San Jose, Occidental Mindoro kaya wala ng makunan ng tubig para sa irigasyon sa mga palayan.

Umaabot na sa ₱31 milyon ang halaga ng pinsala ng El Niño sa mga palayan sa Occidental Mindoro, sabi ng mga awtoridad.

Inirekomenda na ng Provincial Agriculture Office ng probinsya ang pagdedeklara ng state of calamity sa buong Occidental Mindoro dahil sa pinsala ng matinding tagtuyot sa mga palayan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.