PANOORIN: Riot sa Quezon City Jail

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2018 12:55 PM | Updated as of Oct 12 2018 06:12 AM

MAYNILA - Inilabas na ng mga awtoridad ngayong Lunes ang CCTV footage ng riot ng mga preso sa Quezon City Jail.

Sa bidyo makikita ang salpukan at batuhan ng ilang mga preso, habang mabilis namang tumabi ang iba.

Watch more in iWant or TFC.tv

Una nang sinabi ng Quezon City police na mga miyembro ng Commando at Sigue Sigue Sputnik gangs ang nag-away.

Kasunod ng riot, nag-inspeksiyon ang Bureau of Jail Management and Penology sa selda ng mga sangkot sa gulo.

Sa selda ng mga ito nakita ang mga matutulis na bagay, kabilang na ang mga pana.

Hindi pa natutukoy ang eksaktong dahilan ng riot pero humiling na ang lider ng mga grupo na malipat ng ibang kulungan.

Aabot na sa 3,254 ang nakakulong sa Quezon City Jail na nasa 700-800 lang ang kapasidad ng mga selda.

--ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.