Lalaki nagpanggap na kustomer, nagnakaw sa spa

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2018 08:34 AM

MANILA - Inaresto ang isang lalaki makaraang magpanggap na kustomer para makapagnakaw sa isang spa sa Tondo, Maynila nitong Linggo.

Nagkunwaring magpapa-foot spa ang suspek na si Benjie Pachoco, 48, pero tinangay niya ang laptop ng isang parlorista nang magpunta ito sa banyo, sabi ng mga imbestigador.

Tumakbo anila palayo si Pachoco, pero nahuli siya ng isang grupo ng mga lalaki bago makasakay sa jeep.

Bukod sa laptop, nakuha rin mula sa kaniya ang isang kuwintas, isang relo at 2 cellphone. Hindi malinaw kung sino ang nagmamay-ari ng mga ito.

Hindi naman itinanggi ng suspek ang paratang. Aniya, "Buntis po kasi asawa ko."

Mahaharap si Pachoco sa kasong theft.

Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.