Dating sundalo, NPA kumander na sangkot sa kidnapping iniharap sa Crame

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2018 12:31 PM

Sina Brandall Mark Cacatian (kaliwa) at Donato Jacob (kanan), mga suspek sa kasong kidnapping, habang inihaharap ni PNP chief Ronald Dela Rosa sa Camp Crame. Kuha ni Bianca Dava, ABS-CBN News

MAYNILA - Iniharap ng pulisya ang isang dating sundalo at isang aktibong miyembro ng New People's Army na inaresto kamakailan dahil sa pagkakasangkot umano sa serye ng pangingidnap.

Kinilala ang mga suspek na sina Donato Jacob, kumander umano ng NPA, at si Brandall Mark Cacatian, isang dating sundalo. Naaresto sila sa magkahiwalay na operasyon.

Mismong si Philippine National Police chief Director General Ronald "Bato" Dela Rosa ang nagpresenta sa dalawa sa isang press briefing sa Camp Crame Lunes ng umaga.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon sa pulisya, si Jacob ay sangkot sa kidnap-for-ransom case sa Biñan, Laguna nitong 2017 kung saan nasagip ang biktima matapos ang barilan sa pagitan ng mga salarin at mga awtoridad.

Si Cacatian naman, na ikawalo sa most wanted list ng Anti-Kidnapping Group ng PNP, ay isinasangkot sa kaso ng pagdukot noong 2012 sa Lucban, Quezon, at noong 2014 sa Padre Garcia, Batangas.

--ulat mula kina Bianca Dava, Henry Atuelan, at Maan Macagapal ng ABS-CBN News