Customs broker dinikitan ng riding-in-tandem, binaril sa loob ng sasakyan

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2018 10:16 AM | Updated as of Dec 12 2019 05:11 PM

MANILA - Patay ang isang Customs broker matapos siyang pagbabarilin ng mga naka-motorsiklong gunman habang nagmamaneho sa Barangay 46, Caloocan ngayong Lunes.

Kumain pa ang mga gunman sa karinderya sa Third Avenue ilang minuto bago ang krimen, kuwento ng mga saksi.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa kuha ng CCTV, makikitang dinikitan ng mga suspek ang umaandar na kotse ng 25-anyos na biktimang si Raymond Aniceto at malapitan itong binaril.

Tumakbo pa ng ilang metro ang kotse hanggang sumalpok ito sa poste sa kanto ng Third at Fourth avenues.

Ayon naman sa ama ng biktima na si Rey Aniceto, walang kaaway ang kaniyang anak at mabait ito.

Mensahe niya sa mga gunman, "Kahit 'wag siyang magpakita, sabihin niya lang kung sino ang nagpapatay sa anak ko."

Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.