2 patay sa karambola ng 5 sasakyan sa Alaminos

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2018 12:59 PM

ALAMINOS, Laguna - Dalawa ang nasawi sa karambola ng 5 sasakyan sa Maharlika Highway sa bayan na ito nitong Linggo.

Nagsimula ang aksidente bandang alas 12:20 ng tanghali nang mawalan ng preno ang trailer truck truck na minamaneho ni Elynel Miguel Fernandez.

Sumalpok ang trak sa Mitusubishi Lancer na nakaparada sa gilid ng kalsada bago tumama sa sinusundang Hyundai at pampasaherong bus. Bumangga naman ang bus sa kasalubong na Toyota Corolla dahil sa lakas na impact.

Dead on the spot ang pasahero ng Lancer na si Glessie Coronado, 41, habang namatay naman sa ospital si Jeffrey Fandiño, 38, driver ng Hyundai.

Nasa malubhang kondisyon naman ang 4 na iba pa, kabilang ang isang 16-anyos na babae at isang ginang na naglalakad sa gilid ng highway.

Inaresto naman ng mga pulis ang truck driver.

Ulat ni Ronilo Dagos, ABS-CBN News