PASAY CITY — Tatlumpu't dalawang taon nang nagsasama at may isang anak ang senior citizen couple na sina Judith Ignacio at Ronaldo Lopez.
Simula ngayong Sabado, legal na mag-asawa na sila at magsasama sa hirap at ginhawa.
"Impoetante sa amin itong event na ito kasi bago kami pumanaw at least nakasal na kami, finally," ani Judith.
"Sa matagal na panahong paghihintay after 32 years nangyari na kasi it's a good love story," sabi naman ni Ronaldo.
Kabilang sila sa 60 pares na pumunta sa Cuneta Astrodome nitong umaga ng Sabado para sa kasalang bayan na pinamunuan ni Mayor Imelda Calixto-Rubiano.
Libre ang kasalang bayan. Kailangan lang ibigay ang kompletong papeles na nanggaling sa pares na nais magpakasal.
Malaking tipid ito dahil walang kailangang gastusin sa bulakak, notaryo, papeles at pagkain.
Ayon kay mayor, sinisikap ng LGU na hindi lang ito maidaos ang kasalang bayan isang beses sa isang taon kung hindi makasabay ang iba pang okasyon gaya ng Pasko at Valentine's Day.
"Lalo pa naming nagiging inspirasyon ito na gumawa ng ganito nakikita naming 'yung iba may edad ngayon pa lang kinakasal. 'Yung iba ang dami-dami nang anak ngayon pa lang din kinakasal kaya mas nae-encourage kaming gumawa ng ganitong mas maraming programa," ani Calixto-Rubiano.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.