PatrolPH

14,000 turista bumisita sa Panagbenga Festival

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2023 01:56 PM | Updated as of Feb 25 2023 02:52 PM

Watch more News on iWantTFC

BAGUIO CITY — Muli nang binuksan ang pagdiriwang sa Panagbenga Festival 2023. 

Ngayong taon, ipinagdiriwang ito na may temang "A Renaissance of Wonder and Beauty."

Marami pa rin ang nanabik na muling mapanood ang pinakaprehistiyosong kapistahan sa Baguio City pagkalipas ng tatlong taon.

Hindi man kasing dami ng bilang ng turista noong 2019, dinagsa pa rin ito at umabot ng nasa 14,000 turista mula sa iba’t ibang lugar, ayon sa Baguio City Police Office.

Ngayong Sabado, 4 na kalahok mula sa iba't ibang elementary school ang sumali sa Drum and Lyre competiton ayon sa Baguio City LGU.

Nasa 28 naman ang kalahok para sa Grand Street dance competition kung saan 17 ang kasali sa cultural dance category at 11 naman sa festival street dance category.

Aabot sa 17 floats naman ang inaasahang mapapanood sa Linggo sa Grand Float parade.

Pormal na magtatapos ang Panagbenga Festival sa Marso 5, 2023

—ulat ni Marianne Reyes
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.